Kundiman ng Langit May isang kundimang naiiba, Daloy ay kay haba, waring hindi magwawakas; Nilikha buhat sa langit, ng Amang tapat umibig; Awitin, kundiman ng langit. Himig ay sinulat ng Kanyang dugo, Titik ay hinugot sa pusong ‘di magtatampo, Ang hatid ay kaligtasan, at ang ating kalayaan; Dinggin, kundimang ito. Kay hiwaga ng pag-ibig na dulot Mo, Kasalanan ko’y nilimot nang totoo; Sa kabila ng ginawa ko, ako’y mahal na mahal Mo, May hihigit pa ba sa pag-ibig Mo? Sana’y tugunan ang haranang ito Na binuhay ng kamatayang pinangtubos, Sugat ay paghihilumin. Dungis nati’y lilinisin; Damhin, pagsuyong ito. May hihigit pa ba sa kundimang ito? – Kung Ako’y Umibig Ay! Nitong palad na napagsapit ng maulila sa pagibig Di na naawa sa pagtitiis ang aking pusong humihibik Anhim ko mang gunitain Ang lumipas nating pagibig Wala ng sukat taghoy taghoyan Nagiisa sa pagdaramdam. Kung nagsasawa ka man Sa dulot kong pagmamahal Sa pagkat aba nga lamang ay akin ng pagtitiisan Datapuat ‘yong gunitaing Ako man ay ‘yong apihin Dustain man at pakalimutin Ikaw rin ang mamahalin. Ang sumpa ko’y di magmamaliw Sukdang buhay ko man makitil. – Saan ka man naroroon Saan ka man naroroon sinta Pag-ibig kong wagas Ang iyong madarama Kailan pa man sa iyo'y di lilimot Pusong uhaw sa iyong pag-irog Saan ka man naroroon sinta Pangarap ko'y ikaw Pagkat mahal kita Asahan mong sa habang panahon Alaala kita Saan ka man naroroon