Ang Sintang Dalisay Ni Julieta At Romeo G.D. Roke Abanezka Modernong Edisyon In-edit ni: Jev Yerowi Alan Marquiz Frezliet Dizon Ang Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo G. D. Roke In-edit ni: Frezeliet Dizon Jev Yerowi Alan Marquiz Abanezka Modernong Edisyon © 2026 Abanezka Modernong Edisyon Ang Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo ni G. D. Roke Batayang teksto: G. D. Roke, Ang Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo: tula sa wikang tagalog. Maynila: Imp. Tagala, 1901. Makabagong edisyon, transkripsiyon, pagsasaayos ng teksto, at mga tala ni Jev Yerowi, Alan Marquiz, at Frezeliet Dizon. Unang edisyon, 2026 Para sa mga katanungan, mungkahi, o pag-uulat ng mga pagkakamali: azureblock48@gmail.com Ang orihinal na akda ay isang pampublikong-domain na teksto, kung naaangkop ayon sa batas at pinagmulan nito. Ang copyright sa modernisasyon, transkripsiyon, anotasyon, at iba pang orihinal na bahagi ng edisyong ito ay hiwalay na usapin. ii Contents Tungkol Sa Abanezka Modernong Edisyon . . 1 Paunang Salita . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2 SA KADALAGAHAN AT KABAGUNTAUHANG TUBO SA SANGKAPULUAN . . . . . . . . . . 4 PUNO NG SALITA . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6 KATAPUSAN . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 86 Sina-panulat niyaring awit . . . . . . . . . . . . . 93 Talasalitaan Ng Lumang Salitang Filipino . . . 95 iii iv Tungkol Sa Abanezka Modernong Edisyon Ang Abanezka Modernong Edisyon ay isang proyekto sa mul- ing ilathala ang mga nakalimutan at lumang panitikan na matatagpuan sa ika-18 hanggang ika-20 na siglo para sa modernong mambabasa. Ito’y inilunsad upang mapreserba ang lumang Pilipinong panitikan, mas maging madali ang mambabasa sa pagbasa ng mga tekstong ito, at maghikayat ng pag-aaral sa lumang Pilipinong Panitikan. Layunin nito na ayusin ang mga lumang panitikan nito sa paraan ng pag-aayos ng lumang ortograpiya nito, pag- bigay ng depinisyon at talibaba sa mga luma at di na gi- nagamit na salita at parilala, at pagbigay ng masusing kon- teksto at impormasyon tungkol sa gawa at sa manunulat. Hindi ibinago ng edisyon na ito ang mga pangungusap, talud- tod, bokabularyo, o balangkas ng mga akda—maliban kung kinakailangan upang ituwid ang maliwanag na pagkakamali sa sipi. Ito’y unang inilunsad sa taong 2025 sa kolaborasyon ni Jev Yerowi, Alan Marquiz, at Frezeliet Dizon. Si Frezeliet Dizon ang pangunahihng taga-edit ng mga gawa at taga- pagsulat ng mga impomasyon sa gawa, habang si Alan Mar- quiz ay nagsasaayos at naghahanap ng lumang teksto, si Jev Yerowi ang nagta-type set at nag-aayos ng format. 1 Paunang Salita Walang matitiyak na impormasyon tungkol kay G.D. Roke. Ang konklusyon lamang na ating mahahanap ay na siya ay isang Tagalog na manunulat na maaaring mula sa Maynila. Subalit, hindi dapat ito maging hadlang upang ating itangk- ilik at pahalagahan ang kaniyang gawa, Ang Sintang Dal- isay ni Julieta at Romeo . Para ating pahalagahan ang gawang ito, mahalagang dumako muna sa kasaysayan ng tekstong ito. Ito’y unang inilambag noong 1901 sa Manila. Ang pana- hong ito ay ang simula ng pananakop sa atin ng mga Amerikano, na nagtatapos sa mahigit 300 taon ng pagkolonya ng mga Kastila, isang panahon na kung saan ang mga manunulat ay may mabigat na limitasyon sa kanilang mga sulatin. Dahil dito, umusbong sa panahong ito ang iba’t ibang panitikang nagsasalaysay ng mga buhay ng mga santo, mga kuwentong pantasiya, mga buhay ng mga makasaysayang tauhan, at mga pasasalin o muling pasasalaysay ng mga kuwentong sikat na sa Kaunlaran. Ang textitAng Sintang Dalisay ni Julieta at Romeo ay isa sa mga gawa na ito. Ito’y isang pag-aangkop sa sikat na dula ni William Shakespeare na pinangalang Ang Trahedya ni Romeo at Juliet para sa mga Pilipinong mambabasa (ip- inapahiwatig sa unang bahagi ng tula). Ito’y isinulat bilang isang awit, isang uri ng romansang tula na sikat sa panahon ng Kastila. Binubuo ito ng 12 na pantig, tugma, at apat na taludtod bawat saknong. Mahalagang isipin na may mga pagkakaiba ang gawang ito sa orihinal na akda ni Shake- speare upang maangkop sa Pilipinong mambabasa. Una, itinanggal mula sa tula ang mga malaswang pag-uusap na mahahanap sa orihinal na tula. Isa pa, itinanggal din ang mga karakter na sina Mercutio at ang Mangagamot—dalawa sa mga pinakamalaswang magsalita sa orihinal na dula. Ma- halaga ring isipin na hindi lamang galing kay Shakespeare ang gawang ito. Mataas ang posibilidad na kinolekta ni Roke ang lahat ng mga detalye sa kuwentong umapela sa 2 kanya. Ito’y nagresulta sa paghahalo-halo ng iba’t ibang el- emento sa tula ni Roke. Para mas maipaliwanag pa, ang teksto ay naghahalo ng mga sumusunod na eksena: Ito’y nagsisimula pagkatapos ng pananalita ni Prinsipeng Escalus sa away; tungo sa pag- uusap nina Konde Paris at Ginoo Kapuleto, ang unang pakikita nina Romeo at Julieta sa sayawan, at ang eksena sa balkoniya ni Julieta—lahat ito ay galing sa iba’t ibang bersyon ng kuwento. Isa pa, iniba ni Roke ang trahedyang katapusan. Sa tu- lang ito, nagising si Julieta sa saktong oras upang makita si Romeo, subalit nakainom na siya ng lason. Ito’y nag- bigay ng oportunidad upang ibatid nila ang kanilang mga huling paalam, at pagkatapos si Julieta’y nagpakamatay sa pagsaksak sa sarili. Ang mga pagkakaibang ito ay sumasalamin sa kultura at tradisyon ng mga Pilipino sa panitikan. Bilang pagtatapos, hindi lamang ang mga pangunahing pangyayari ng kuwento ang mahalagang pansinin sa pag- basa nito.Makikita rin sa paraan ng pagkukuwento kung paano inilalarawan ni Roke ang pag-ibig, dalamhati, ka- gandahan, dangal, at ugnayan ng mga tauhan. Ang mga damdaming maaaring pamilyar sa makabagong mambabasa ay ipinahahayag sa pamamagitan ng isang wika at isang panitikang nagmula sa ibang panahon. Dahil dito, narara- pat basahin ang akda hindi lamang upang alamin kung paano nagwakas ang kuwento nina Julieta at Romeo, kundi up- ang pagmasdan kung paano isinalaysay at ipinahayag ang kuwentong ito sa loob ng tradisyong Tagalog. Mga Sanggunian: Ick, Judy Celine. (2013). “The Undiscovered Country: Shakespeare in Philippine Literatures.” Kritika Kultura , No. 21, Article 10. DOI: https://doi.org/10.13185/1656-152x. 1506 Eugenio, D. L. (1987). Awit and corrido: Philippine metrical romances . Quezon City, Philippines: University of the Philippines Press. 3 SA KADALAGAHAN AT KABAGUNTAUHANG TUBO SA SANGKAPULUAN Dinala 1 ng palad na di kayat asam sa natitiwalag na Bayanbayanan, dakong Habagatan ng Sangkapuluan, at sa di kalipi 2 punong pamumuhay, Ito’y natatayo sa paa ng bundok, kapuwa tatlong panig sa tarik ay kubkob at ang sa harapan karagata’t tunog ng laging daluyong pagwawari’y handog. Masigla kong isip na kasalukuyang nagkusang kumilos sa kaukulan lungkot at iba pa hindi gunam-gunam sa dahilang nasa na maging panlibang. Ang anyong mapanglo iiral paggiit ng oras na dapat ipantuyong pawis at ngayong padilim ang gabi’y kaparis, ang lupang libingang hanggahan ng isip. Lansagin ang gayong magmog ang agap sa taong mawalay ng panaho’y atas! sa kapilas puso’t bungang mga lunas ng ibang pagluha ito ang mabigat! Ang pag-ayong panglo katan kayang pait sa pusong wari rin ng asawang ibig, at ng mga dugong mahal ang umakit 1 Julio nang taong 1900 2 Kompanya ó bakasan nang manga ilang anak nang dalawa sa malalaking mga nasyon at isa sa maliliit. 4 na ako’y mag-alyo tumula ng awit. Sa kutad na isip ito’y kunang latag sa mata ng ibig magdamot lumasap, di sariling katha’t may kinunang ugat, linangkapang akma at kayang sagisag. Tapat ang luhog kong tanggapin at handog sa inyo, ang aba’t malumbay na pagod, mga dalaga’t bagong taong sipot sa mahal kong Bayan 3 may puring umirog, aki’t hindi inyo dusta’t kapintasan 4 na ukol iputong sa gaya kong mang-mang, gayon ma’y ibayo maging pakinabang kung inyong liliman naging ’bungang Panglo.’ — Ang Tumula 3 Mahal kong bayan, Pilipinas 4 Sa gawa nang iba ang hanap nang dungo ó mapagpaham, ay ka- malian ó dapat ipintas; ang sa marunong, kainaman ó sukat pakinaban- gan. 5 PUNO NG SALITA Nang panahong lakad sa isang daigdig, dulo ng patalim ang hantungang galit, ina-aring ley at tanging matwid ang gumawad hatol sa taong may isip. Tila baga’y Dyos, na lubhang dakilá hindi’y inangkap sa mahal na lik-ha, ang dapat maghusay may balak na dila sa nangadidimlan sa hibo ng lupa. Taga pamahala sa titik na utos sa sala ng tao’t ibang sawing kilos. kaya mamalayan sa sakop sigalot kung naibunga na’y kakilakilabot. Ang madlang iningat tangang kailangan ng Kapangyarihan walang kaya’t kulang, nabibirong lahat ng dapat gumalang hindi mangadala kahit marapatan. ng tao ay gawang libangan ang kintab ng kani kaniyang patalim na sakbat, pamuting malupit sa alin mang lakad, sa tuluga’y bantay at tanggulang hagap. Tila di gunitang natalong patalim kasing isang lupit pilit kadamay rin, harap ng lingatong kung sa labas galing ng bayan ngang kani-kanila’y may supling. Ang lakas ng kamay ang tangîng pangahas sa puso ay api ang karapat-dapat, katowirang tungkol at síya rin ang agap kamukha’y kalisin mabantog may linsad. Ang pag-ayong asal hapng pag-iisip 6 ningas sa silakbo’y lalo pang malabis, sa isang lupaing binukalang batis ng abáng sintahang dahil niyaring awit. Ito ang Beronang 5 masanghayang syudad na sa paniwala sa panahong tahak, Bartolome dela Seala ang bansag, 5 Berona, isa ngayon sa manyga magagandang Syudad nang Kaharyang Itala, sa dakong Amihanan. Ipinundar ng mga taga-Galya o Etrurya. pag-ana nang Emperador Tito nang 82, ton nang kumapal, ang balitang anfiteatro sa Berona, na pinagtatagan nang pyesta ó iba pang katuwaan Nang bayan. Ang berona’y naging sabana nang maraming digma. Nang taong 312 tinalo ni Konstantino; at nahulog din sa kapangyarihan ni Teoderiko el Grande nang masupil niya si Odoaser na Hari sa Itala Nang ika-27 ng Setyembre ng 489. Nang 774 sinalakay nang kawnawnahang Hari sa Fransyang si Karlomagno. Nang 1260 nahalal na Podesta ó Taga pamahalang Syudad si Mastino dela Skala, at nangaghalinhinan ang kaniyang manyga ankan na kung tawagin Skaligeri hangang sa 1387 na sila’y talunin sa digma nang Biskondeduke sa Milan (isa sa manyga ankang Skaligeri ang Prinsipeng Taga pamahalang Syudad sa Berona sa panahong tinahak niyaring awit). Nang 1405 kinongkista nang Benesya at pinamahalaang maikling panahon ó hangang sa ika 3 nang Hunyo ng 1796 na sila’y talunin ng General na Pranses Massena. Malapit sa Berona napipilan kay Kárlos Alberto de Serdenya ang manyga Taga Aw- strya nang ika-6 nang Mayo nang 1848. Ang Berona ay naging isa sa apat na matitibay na mog nang Awstrya at pinanygalanang kwadran- gulo, pagkat nakapasiko ang bawat panig nang pagkatabas salop nang kuta, at gayo’y siyang katibayan sa digma; at dito rin nang ika 12 nang Hulyo nang 1859 sa isang Orden del dya, ipinahayag nang Emperador Fransisko Hosé nang Awstrya ang bo niyang pag-ayos sa layon nang karamihan nang bayan na nanghihimagsik laban sa hindi makasundong kaniyang pamamahala; at sa kayo’y kalakip ang pasasalamat sa munting Bahagi ng bayan at hukbong kaniyang kaayon. Ang berona’y nasanib sa kaharyang Itala na ninanasang sumakop sa kaniya mula nang ika 16 nang Oktubre nang 1866, at nang ika 18 nang Nobyembre nang ton ding ito, ang Hari sa Itala tinangap na ipinagdiwang nang may 70,000 katao sa Naturang anfiteatro. Nang taong 1877 natuklasan sa malapit sa Berona ang humugit sa 50,000 salaping may larawan ni Galeno’t iba pang manyga Emperadores at ang karamiha’y tangso. Nang 1881 ang kabilangan nang Ang mga mamamayan sa Berona ay 60,768. Tala: Ito’y isinulat ng orhinal na may-akda. Hindi ito sumasalamin sa impor- masyon ng kasalukuyan 7 Prinsipeng may puri sa tungkol malingap. May dalawang tiyang hindi magkahinlog, ang pag-iibigan malino na lugod, do’y nagsitubó sa yaman ay tampok, sa dugong mataas ng kalak hay sipot. Bunyeng Kapuleto, na ugaling tawag sa uwa at tiyang aking pinahayag, at kay Montesko, bigay namang bansag sa isa at kapuwa kapuriha’y ganap. ngunit ng dumating pagkat karaniwan tamis uma-asim ng pag iibigan, sa dahilang ito kakamunting bagay sama-an ng loob ang pilit umiiral At palibhasa nga sa balat ng mundo, matuwain di ilan sa gawang mangbuyo. kaya di napawi’t bagkus sumilakbo init ng alita’y naging pita’y sikdo. ng nagtatanimang loob di naglining sa kanila’y sulsol na apoy ng tabil, ng dilang matamis ó magagawiin sa pag mamapuri’t alinsunod hangin. Di rin pinag-wari kung ang gayo’y buhat sa sundot ng ingit sa pusong may ingat, upang nito’y gawin ikulim-lim sikat ng balang sa kaniya’y lumampas liwanag. Gayon din hindi na tinunghan sa isip kung laman ng udyok ay higanting galit, ng pusong sa gayo’y lubháng mapagtipid sari saring likô panghalay nagamit. ng nagsipag-udyok ng linsil na hangad 8 sa buong pagnam-nam dito na naganap, di maka-iilang berona’y nagdanak sa dugo ng kabig dalawang nang-yakag. Tahanang nag-inam sa pagkakalapit dalawang pamuno ng pagkaka-alit, sa laki at dalas niyong pagkakalis siyang naging sanhi at nag-bigay pait. Kung masawatá man sa sandaling oras ng Prinsipe Skala twing mangag lamas, yo’y para lamang hanging pampaningas kung baga sa basang kahoy na nasalo. pag-ayon ang lakad mga kabagayan, na tigmak ng dugo sa kapanahunang tumahak ang punong sa luha rin laan niyaring aawiting tula namay panglo. Sa umagang sikat ng araw kulimlim ng mukhang may lumbay anyo’y tikis man din. humarap sa bago na akmang hilahil sa Beronang tila hinirang nga lagim. Ang kapalalu-an na pakaing saklap at paramit pula sa kaniya’y may ingat, ang tanging may sala at pilit yumakag sa pinagbuhatan ng gayong bagabag; Ito’y mga kapuwa utusan sa bahay bunying kapuleto’t Monteskong marangal, na nangagkatagpuô sa abot ng tano sa kanikanilang ginong tahanan. Ang utusang bahay twinay nagmamasid sa panginoon nilang lihim na nag alit, ngunit wala namang kasabihang titik na di nababali kahit ganong higpit. 9 At may tao nganing matapat na loob panginoon sa galit nanga-kiki-ayos, kung ito’y bigkasan ng dusta’t pag-ayop pagtatanggol parang sariling sigalot. Ang kani-kaniyang gino’y sa tapang kalak-ha’t iba pa sabi kung lampasan, mata’y mangdi-dilat parang dinadarang saka itututol wikang paimbabo. Ang gayong taltalan na maling inisip sa lupa’y subok nang binubunga’y galit, sa kapuwa utusang bahay ang umakit: hanapin ang hatol sa dulo ng kalis; Dapowat ng akma nang magsukatang sakbat isang bagong taong mabunyi ang tikas, kátong lumapit at ang unang bigkas ¡”itigil na anya, panganyayang hangad”! Ito’y si Benbolyong kilalang pangalan, at pamangking buo Monteskong marangal, tong matahimik at sa pusong mahal pag-api sa kapuwa kapangita’t suklam. ngunit pagkakita ni Monteskong kabig, bagkos nalulan ang palalong isip, pagkat inasanang tulong na malabis, kaya hinandulong ang katalong kalis. Kahit si Benbolyo, ay kulang namos di rin alintana ang magandang himok, dangan kaniyang sakbat sa galit binunot kasaha’y ang bala, di sana nasunod. Kalakarang masid sa lupang ibabo, busal ng taltalan ó kaya ba-bagan, ang palalo’t dwag tapang binabagay 10 timbang ng pag-awat ng nama-magitan; pag-awat kung baga tunay at mahigpit sa dwag ay lalong pakita’y balasik; dapowat kung akalang himba-bo di pilit marahil urungan ng sariling akit. ngunit may palalo dwag karaniwan, sa sulsol ng bulag ay nagagayanan, bagkus pa kung madlá ang nagsi-sitanghal, malapit sa hukay ng kapahamakan. Ano’t palibhasa ang takbo ng ningas niyong kagalitan ukol sa pagkalat, kaya ó sakuna! ang isang pangahas na-abot-abutan ang tigilan sakbat; Ito may binata’t sa kalak-ha’y supling; ngunit kagawi-ang libangang hilahil, walang ibang bati’t bunot ang patalim kay Benbolyo, kun di ang ganitong turing: Aniya, ngayo’y batid ang mahal mong kanan kumalis sa duk-ha’y naw-ukol lamang, pagkat kasing uri mayron pa naman sukat makalapat at ikadadangal. Libo mang tagumpay igawad ng palad ¿anong mapa-pala’t kalaban mo’y hamak? ¿anong kabantugang tamuhi’t matanyag? sa lupa’y kung hindi ang pula at libak? maging sumpa nawa matingalang langit sa kasing-gaya mong matuwaing kumalis, sa hindi kapantay angat na idatig at ina-akalang madaling malupig. Kaya ang dugo mo ng hindi masayang 11 at huwag kapitang pangit na palayo, humanda’t magbunot at kitang maglaban púla ng sa ati’y lumampas na tunay. Sa gayong naringig benbolyo’y sumagot anyo’y pakumbaba’t ang bigkas malambot, aniya, ”o Tibaldo” 6 ang pagkabugasók karaniwa’y sising mapait ang handog. Ang sapantaha mo kung hindi nalihis karampatang lahat ang bunga mong galit; ngunit ako’y hindi ni o may kakalis at sa gayo’y agap babág itahimik. ”ako’y nagtataka tugon ng kausap sa kanan mo’y bunot patalim na ingat, ito’y di ga-gawin kung walà sa hangad tungo ng bintang kong unang pinahayag.” benbolyo’y pumak-ling, ”kalis kayà bunót sa pagkat may taong api ang pagluhog; nguni’t pag sa bagsik agad na hinuhod sa mabuti’t hindi nasang ilamurot. ng sapantaha mo ito ang dahilan kayà ang patalim yuli sa kalaban, at ako’y tulungan payapa’y ibigay sa nangadidimlan sa udyok ng away.” Tibaldo’y tunay man ang gayong naringig sa kaniya ay pulos laro-larong litis. ugali sa pagkat magli-lilong isip dam-dam kasingtago ang lahat na dibdib. Kung pano ang tingin nyong kasamaan sa balang kalik-hang akala’y ka-asal, 6 Tibaldo, ito ang pangalan ng kausap, ó lumapastagang wika kay Benbolyo. 12 Tibaldo’y gayon di’t bagkus napootan sa pagkat aniya sa turing hinangal. ”Kayong tanang lahi, at saka sinunod, ng mga Montesko walang gawing kilos, kun di ang sa wikang may daya’t maayos maghusay ng isip ng kapuwa ibalot. Kung pano ang tamis pakingan sa bibig; salitang mairog siya naman ang pait, ng hantungan tungo maninilong isip kausap ng upang malinlang sa nais; nguni’t kaming dating dala sa pahamak ng mga pa ayang may pamukhang sarap, mga tainga’y bingi’t kalooba’y gayak pagkat gayo’y siyang sakbating marapat. At ng upang huwag lumago’t umiral ang singo na damong panalot sa buhay, nyong mahalagat asam na halaman agaring lipuling walang pakundangan.” At saka inulos na di na binalat ang walang munti mang gayak na kausap, dangan nga ang tunog pagkabatay sakbat buhay sanay lagot sa akalang sukab. Sa galit inusig ng hindi sayaran tagang sunod-sunod, nguni at nasayang, pagkat si Benbolyo ang mata’t saklo walang bigong agap pag-iwas na bagay. At ng mawala na sa dugo ang lamig ni benbolyo’t siyang naghari ang init, ang panagang sakbat ipinamilantik daglus ang kanilang kabig nagsidatig. Naging kay Benbolyo, ang mga utusang 13 bahay ng amaing Monteskong marangal, saka kay Tibaldo, naki ayon naman ang kay Kapuletong sakop na kadamay. Sa munting linon nakapangilalas paglaki’t pagla-lâ niyong paglalamas, pagkat di pa bilang ibang nanga-ganyak gino at duk hang nangakatalastas; ngunit walang wasto sa linusob-lusob marami sa ibang huling nagsilahok, sa dalawang pangkat walang naka-ayos pinagmulang babag kun di ang ma-abot. Gayari ang hya-wang pinagsagutanan; mawala-mawala paghilahil bayan! itabi ang awa’t pagpa pakundangan! ang sama’y di dapat mag-ugat lumabay! Salot kay montesko’t kapuleto’t ihampas! Kagalitang labis dugo rin itigmak! huwag pamarisan sa gawang pahamak! sila’y pagsulungan sa bayan ng ningas! Ito’t ibang sigo hindi magkamayo sa busal ng gula’t sa teyngay nag sumpal, kalangsing ng kalis huwad sa pingkyan kalantog ay basag ng bambong umpugan. Nakikitono rin ang kahapis-hapis daing na may láit nagsisukong sakit, at gayon din naman lagapak kasanib ng nangabu-bual na di na matindig; Bagkus nakadagdag sa gulo’t sigawan alingo ngo siyang nagharing lansangan ang nagsisitano nagsilabas naman kapuleto’t saka Monteskong kasubyag. 14 Bakit nagbigkasan ng wikang paglait magsukatan uban sa anyo’y mapilit, ito’y naging hangin sa ningas ng galit ng kani kaniyang nang-lalabang kabig; Ang pamamayani sa matang may lingap ng kani-kaniyang pangulong mataas, sa kawal pansulong ng tapang at sipag at ang pagdidiwang dito nagbubuhat. Púla’t alipusta kung nalalapatan kawalang bahala pangulong labanan; nguni’t kung alalay mata’t kaisipan kadalasang ani ang ligaya’t dangal. Ano’t ng ang tulin bo’t walang puknat ng alab sa takbo niyong paglalamas, ang baya’y anaki tung-tung na sa oras sa madlang kabilang ang ikaagnas. Ang mata’y saan man sa ligid ilingos walang ipanglong sa puso’y nagtos, dito ay padag-li ang ibig lumahok, ibang napipilay hangos na pasabog. Nagkalat ang ibang sari-saring gulang pangamba’y nalinibag sa mukha’t kilusan, walang mapalagay sa bahay’t lansangan, pumanhik manog may lahi sa laban. Ang lúha sa matang sakál na umagos, kumatay sa mukhá ng paghihimutok at sa ibang dako kamay nangagdop dalangin tunghayan ng lingap ng Dyos. Don mamamasdan ang anyong mapipil anaki larawan ng pangamba’t lagim, lalo na kung gayo’y gunita’t di pansing 15